SpotifyToMP3
NURSE, TUMULONG SA INA SA OSPITAL. DI AKALAIN MAILILIGTAS ANG ISANG PASYENTE. AMA PALA ITO NG KAMBAL

NURSE, TUMULONG SA INA SA OSPITAL. DI AKALAIN MAILILIGTAS ANG ISANG PASYENTE. AMA PALA ITO NG KAMBAL

97:41 · ٥٣٥٬٢٣٤ استماع

من الألبوم AMIHAN STORIES

الوصف

Amihan Stories Love Story | FULL EPISODE: NURSE, TUMULONG SA INA SA OSPITAL. DI AKALAIN MAILILIGTAS ANG ISANG PASYENTE. AMA PALA ITO NG KAMBAL NA BINABANTAYAN NIYA PARA SA ISANG MISYON AT KASO | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story FORTRESS AGENT SERIES Complete Playlist link - https://www.youtube.com/playlist?list=PLGF4AjJVT1ld0dc0uAyEYgf7k_BUvVsjY Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: My Savior is My Twin's Lady Bodyguard (Fortress Agent Series 18) Exclusively written for Amihan Stories "Kumusta ka na po, Nanay? Pasensya na po at ngayon lang ako nakabisita ulit. Naging abala po kasi sa trabaho, eh." Marahan itong dumistansya habang nakangiti. "Okay lang, anak. Huwag mo akong alalahanin. Maayos lang ako rito. Sanay na ako sa magugulong pasyente." Ngumiti si Ponda at muling niyakap si Nanay Linda. Hindi man niya ito kadugo, pero itinuturing niya ito bilang tunay na ina. Ito ang itinuring niyang pangalawang ina nang bawian ng buhay ang nanay niya sa parehong mental hospital na iyon. Malaki ang pasasalamat niya rito dahil nagkaroon siya ng matatawag na pamilya ngayon. Magagawa na niya itong suportahan kahit hindi magtrabaho, pero ayaw nitong iwan ang pagiging nurse sa mental hospital. Nakatuon na ang buong buhay nito sa trabaho at hindi na nagkaroon ng sariling pamilya. Naalala pa niya noon na nagmakaawa ito sa bagong management ng ospital na huwag itong tanggalin sa trabaho. Pinagbigyan naman ito kahit may edad na. "Nag-leave po ako ng limang araw sa trabaho para makasama ka, Nanay. Miss na miss na po kita." "Talaga, anak? Napaka-gandang sorpresa naman niyan. Tamang-tama para makauwi na rin ako sa bahay. Nakakalungkot kasing mag-isa roon, kaya mas madalas ako sa ospital kaysa umuwi." "Don't worry, 'nay, uuwi ka na ngayon dahil narito ako." Mahigpit siyang niyakap ni Nanay Linda. Ramdam niya talaga ang pagkasabik nito sa kaniya at ganoon din naman siya rito. Naputol ang usapan nila nang may magsalita sa speaker ng ospital. "Code

قد يعجبك أيضاً