
NAGIMBAL SIYA NANG SABIHIN NG BABAE SA AUCTION NA MAY ANAK SILA, PAANO NANGYARI IYON, EH BADING SYA?
93:00 · ٢٬٩١١ استماع
من الألبوم FORTRESS AGENT SERIES by Maybel Abutar
الوصف
Hindi tanggap ng pamilya ang kasarian ni Cody dahil mula sila sa angkan ng militar. Kaya noong nalaman ng kanyang amang heneral ang ginawa niya sa kampo na may tapis at towel sa ulo. Pinatanggal siya ng ama sa serbisyo. Nag-aaply siya bilang secret agent ng fortress at doon ay pinamalas niya ang husay niya sa pagiimbento ng may kabuluhang gadgets at iba pa. Sa isang auction, nakilala niya ang isang babae na may hawak ng pyesa na kailangan niya. Subalit hindi niya gets ang trip ng babae kaya naiwala niya ang pyesa na di nalalaman. Hanggang sa bigyan siya ng misyon at iyon ay para iligtas si Violet. Nagtagumpay naman siya, ngunit nagimbal siya nang malaman na may anak sila na nasa Korea! Amihan Stories Love Story | Ang ganda ng istorya ni Cody at Violet, tara at tunghayan ang Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story | Tagalog audiobook FORTRESS AGENT SERIES Complete Playlist link - https://www.youtube.com/playlist?list=PLGF4AjJVT1ld0dc0uAyEYgf7k_BUvVsjY A Story Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited & Produced by: Amihan Title: The General's Gay Son & His Unexpected Child (Fortress Agent Series 19) Crafted exclusively for Amihan Stories Dalawang linggo matapos matanggap ni Cody ang email, dumating na rin ang araw ng auction. Mag-isang nagtungo si Cody sa Lavender Building—isang malawak at matayog na gusali sa dulo ng lungsod. Isa ito sa pagmamay-ari ng Purple Tech at kilala sa pagho-host ng mga high-profile auctions at private events. Inayos ni Cody ang puting rosas na naka-pin sa kanang dibdib ng suot niyang three-piece suit bago pumasok sa gusali. Pagbukas pa lang ng pinto, sinalubong na siya ng engrandeng tanawin at malawak na bulwagan. Puno ang lugar ng mga kilalang personalidad—mga negosyante, pulitiko, at maging mga banyagang investors na halatang dumayo pa para sa okasyong ito. Natitiyak niyang mahihirapan siyang makuha ang kailangan niya dahil sa dami ng competitors, pero hindi siya papayag na hindi mapunta sa kanya ang piyesang iyon. Saglit siyang
قد يعجبك أيضاً
- 1
ألبومRuss Ballard Radio
٤٬٠٤١ استماع
- 2
ألبومDinky Radio
١٠٬٤٩٩ استماع
- 3
ألبومParabelle Radio
١٠٬٢٤٩ استماع
- 4
ألبومAvith Ortega
Avith Ortega · ١٧٤ استماع
- 5
ألبومThe Medallions Radio
٧٬٦٦٤ استماع
- 6
ألبومJETBOY Radio
٨٬٧٤٥ استماع
- 7
ألبومMYGA CONDUCTA
MYGA CONDUCTA · ٤٬٢٠٢ استماع
- 8
ألبومBoblebol
Boblebol · ١٠٬٨٥٩ استماع
- 9
ألبومEvergreen
Girl Band · ٥٬٢٦٥ استماع
- 10
ألبومThe Options
The Options · ٧٬٤٨٦ استماع
- 11
ألبومIcerat
Icerat · ٤٬٨١٥ استماع
- 12
ألبومOllie Goes to Bed
The Ostriches · ٧٬١٨٤ استماع