
CAPTAIN HINANAP ANG ANAK NG HENERAL NA NAGLAYAS. KUKUMBINSIHIN UMUWI NA AT PAIIBIGIN DIN.MAGAWA KAYA
88:40 · ١١٠٬٢٢١ استماع
من الألبوم ISTORYA NI AMIHAN
الوصف
ISTORYA NI AMIHAN LOVE STORY | FULL STORY: CAPTAIN, HINANAP ANG ANAK NG HENERAL NA NAGLAYAS. KUKUMBINSIHIN NIYA ITONG UMUWI NA AT PAIIBIGIN DIN. MAGAWA KAYA NIYA ANG PLANO? GAYONG NAGBAGO NA ANG DALAGA? Written by: Ada Rose Cruz Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: The Hot Captain & The General's Daughter Exclusively written for Istorya Ni Amihan Hindi niya panghihinayangang bigyan ng sobrang pera si Jiezel dahil mabait na bata ito at lagi niyang nakakatulong. Kasalukuyan itong nagbabantay sa bigasan na ipinamana na rin sa kanya ni uncle Rene, minana niya rin sa tiyuhin ang seaweed farm at Isla Puro. Pero sa isla ay mag-isa na lang siya. But she feels safe and secure. Makalipas ang ilang oras, pinili ni Abby mag-siesta sa duyan na nakatali sa dalawang puno ng niyog, ngunit wala pang kinse minutos ay kumakahol na ang kanyang mga alaga, may naririnig rin siyang ugong ng kung ano. Naalimpungatan siya sabay ang pag-upo sa duyan, pagkuwa'y tukoy na niya ang dahilan, may isang helicopter palang malapit doon ang pagkaingay-ingay. Tumayo siya at kasamang tumakbo ang mga aso patungong tabing-dagat, nakikipaglaban sa malakas na hangin na dulot ng elesi ng helicopter. "Hoy! Magla-landing ka rito? Sino ka? Private property ito," nakatingalang sigaw niya at tinabingan ng palad ang mga mata. Puno man ng pagtataka ay hinintay niyang maka-landing ng tuluyan ang helicopter sa pampang at mahinto ang makina niyon. Maya maya pa'y bumukas ang pinto niyon, at mula doon, bumaba ang isang lalaki. White shirt, black denim pants at sneakers ang outfit nito. "Sino naman kaya ang lalaking ito?" Salubong ang kilay na sambit niya, naniningkit ang mga mata niya dahil sa init kaya hindi ito makilala. Saglit pa siyang tinitigan nito bago naglakad patungo sa kanyang direksyon. Ang tikas ng tindig at ang ganda ng paglalakad nito, ngunit napanganga siya nang makilala sa malapitan kung sino iyon. "Hi, Abby," bati ng lalaki sa baritonong boses. "Marcus?" Visit my Main Channel (AMIHAN STORIES) for more stories https://www.youtube.com/
قد يعجبك أيضاً
- 1
ألبوملبخند آرام / Gentle Smile
Taraniran · ٦٬٩٧٦ استماع
- 2
ألبومNorth Star
North Star · ٦٬١١٤ استماع
- 3
ألبومThe Best of Listen Vision Recording Studios: Volume One
٢٬٧٣١ استماع
- 4
ألبومMilites Christi — Cantica ad Lucem
Aura Global AI Rec · ١٠٬١٦٧ استماع
- 5
ألبومDevil on My Shoulder
Skrribbz · ٥٬٩٧٣ استماع
- 6
ألبومMusic For Tropical Nights
Jeff McNiven · ٨٬٧٧٩ استماع
- 7
ألبومLE CRI DE LA VÉHÉMENCE
LE CRI DE LA VÉHÉMENCE · ١٧٤ استماع
- 8
ألبومYOU'RE A GOOD MAN, SCUBBAYAE PT2
Scubbayae249 · ٥٬٠٠٥ استماع
- 9
ألبومCvreless Radio
CRIS TAYLOR · ٩٬٣٠٨ استماع
- 10
ألبومMafio Radio
٦٬٧٨٥ استماع
- 11
ألبومExtreme Space
Globalix · ٨٬٣٣٤ استماع
- 12
ألبومBaile Proibidão
Kaio Vibes · ٨٬١٨٩ استماع