
BINATA, ITINURO NG BABAE SA IBANG SHOP. ITO NA PALA TALAGA ANG HINAHANAP NIYA. HUMANGA SIYA RITO SA
83:15 · ٢٩٧٬٧٠١ استماع
من الألبوم AMIHAN STORIES
الوصف
Amihan Stories Love Story | FULL EPISODE: BINATA, ITINURO NG BABAE SA IBANG FLOWER SHOP. ITO NA PALA TALAGA ANG HINAHANAP NIYA. HUMANGA SIYA RITO SA KAASTIGAN NITO. HNDI NA NIYA ITO PIPILITING UMUWI SA AMA. DAHIL SUKO NA ANG PUSO NIYA RITO | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story Written by: Undeniably Fool Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Ang Babaeng Astig at ang Poging CEO Exclusively written for Amihan Stories "Excuse me. Magtatanong lang sana ako..." bungad nito sa seryosong tono. "A-Ah, oo naman. Ano iyon?" "Ito ba 'yong Kiara's Flower Shop? Wala kasing banner man lang kaya hindi ko alam kung anong pangalan ng flower shop na 'to." Naningkit ang mga mata ni Kiara. Flower shop niya mismo ang tinutukoy ng gwapong lalake ngunit hindi niya iyon aaminin. "Hindi ko alam kung saan ang hinahanap mong flower shop." "Really? Are you sure, Miss? Ang sabi kasi ng nakausap ko, dito lang sa Maharlika highway ng Santa Rosa ang flower shop na hinahanap ko. Dito daw banda." "Nagtatanong ka tapos ayaw mong maniwala? Eh di sa iba ka magtanong," pagtataray niya rito. "I'm sorry, miss. Ang sabi kasi sa akin, dalawa lang ang flower shop sa lugar na 'to." "Bakit mo ba kasi hinahanap ang flower shop na 'yon?" "Gusto kong makausap ang may-ari n'on, si Ms. Kiara Aguilera. Kilala mo ba siya?" Mas lalong naningkit ang mga mata niya at kaagad napaisip. "Ano bang kailangan sa akin ng lalakeng 'to? Siguro isa na naman 'to sa mga tauhan ni dad na gusto akong pauwiin sa Manila," tanong niya sa isip. "Pero bakit mukhang mayaman 'tong pinadala niya ngayon? At mukhang shushunga-shunga pa. Nasa harap na niya ang hinahanap niya tapos wala siyang kaalam-alam?" "Excuse me, miss?" untag sa kaniya ng gwapong lalake. "I'm sorry pero hindi ko siya kilala, Mister. Pero may alam akong isa pang flower shop. Siguro dalawang kanto mula rito. Katabi ng water refilling station yung pwesto niya. Siguro 'yon ang hinahanap mo." Tumitig sa kaniya ang lalake at naningkit ang mga mata. "Are you sure
قد يعجبك أيضاً
- 1
ألبومBrasil Paralelo | Podcast
Brasil Paralelo... · ٢٬٥٣٠ استماع
- 2
ألبومYazer
Yazer · ٥٬٣٥٢ استماع
- 3
ألبومOjaye Amor
Ojaye Amor · ٤٬٢٢٤ استماع
- 4
ألبومMatt Fisher
Matt Fisher · ٦٬٤٠٣ استماع
- 5
ألبومLuk Lagwi
Luk Lagwi · ٦٬٤٥٢ استماع
- 6
ألبومOren Benamor
Oren Benamor · ١١٬١٢٨ استماع
- 7
ألبومCrash EP
Rakjay · ١٧٤ استماع
- 8
ألبومBurlas y Mentiras (rock Edition)
H.V. Came · ٧٬٨٠٣ استماع
- 9
ألبومIsabek Mastonov
Isabek Mastonov · ٤٬٢٩٢ استماع
- 10
ألبومMusic Disease
Music Disease · ٦٬٦٤٣ استماع
- 11
ألبوم0ut00im0udio is KEI,4th Album of 0ut00im0udio.
0ut00im0udio · ١٠٬١٦٩ استماع
- 12
ألبومTuco
OX · ٣٬٨٣٢ استماع