SpotifyToMP3
BABAE, NIREJECT NG GWAPONG CHEF! ISANG BATANG LALAKI PALA ANG DAHILAN. SINO ANG BATA?

BABAE, NIREJECT NG GWAPONG CHEF! ISANG BATANG LALAKI PALA ANG DAHILAN. SINO ANG BATA?

76:42 · ٨٬٩٤٦ استماع

من الألبوم Dear Amihan Stories

الوصف

Tagalog Love Story | Ang Pakipot Kong Chef | BABAE, NIREJECT NG GWAPONG CHEF! ISANG BATANG LALAKI PALA ANG DAHILAN. SINO ANG BATA? | Inspirational Love Story Kilig Love Story Tagalog Romance Written by: Cloverdeffudil Narrated by: Miss JeyEy Revised and rearranged by: Andrea Gale Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang cellphone niya. Biglang may nag-pop na message. Galing iyon sa isang unknown number. Agad niya iyong binuksan at binasa nang malakas. "Hi, ako si Ivan Valerio. Didiretsuhin na kita, wala akong plano na magkaroon ng girlfriend. Pero huwag mo sanang isipin na dahil iyon sa hindi kita type. May mga circumstances lang sa buhay ko na mas dapat kong pagtuunan ng pansin kaysa maglaan ng oras sa pakikipag-date. Sana maintindihan mo. Huwag ka na ring mag-reply at ide-delete ko na rin itong number mo." Agad na bumagsak ang balikat niya. Akala niya ay maganda ang sasabihin nito kaya binasa niya nang malakas. Lumapit sa kanya ang guwapo niyang katrabaho na naka-assign sa kabilang department. "Ano 'yan, na-reject ka?" "Ha? H-hindi. Sa tingin ko, wrong send lang at hindi talaga para sa akin ‘yun." "Asus, nagdadahilan ka pa. Tingnan mo nga ‘yang mukha mo, paiyak ka na," sabay turo nito sa mukha niya. Agad niyang tinabig ang daliri nito. "Bumalik ka nga sa department mo, o isusumbong kita kay boss na dine-date mo si Ericka," pananakot niya. Bumakas ang takot at pagkabigla sa mukha nito, saka natatarantang umalis. Isa sa mga ethics code ng company nila ang bawal makipag-date sa katrabaho. Malamang ay nagulat ito nang malaman na alam niya ang relasyon nito kay Ericka, ang accountant sa kabilang department. Pero siyempre, wala naman talaga siyang planong magsumbong. Buong araw siyang iritado. Hindi siya makaget-over sa message na natanggap niya. Iyon yata ang unang beses na may nang-reject sa kanya. Hindi naman siya papayag na sa isang message lang matatapos ang lahat. Matapos ang shift niya, agad siyang umalis at sumakay sa kotse. Nanatili lang siya roon, nakahawak sa manibela, habang hindi pa pinaan

قد يعجبك أيضاً