SpotifyToMP3
BABAE, ITINAGO SA NOBYO ANG ANAK. AFTER 7 YRS, NASA BAKURAN NIYA ITO AT MAY INAALOK SA KANYA...

BABAE, ITINAGO SA NOBYO ANG ANAK. AFTER 7 YRS, NASA BAKURAN NIYA ITO AT MAY INAALOK SA KANYA...

72:27 · ١٠٬٥٦٩ استماع

من الألبوم Mi Amor Tales

الوصف

FULL STORY: Still You, After 7 Years | BABAE, ITINAGO SA NOBYO ANG ANAK. AFTER 7 YRS, NASA BAKURAN NIYA ITO AT MAY INAALOK SA KANYA... | Kilig Love Stories Tagalog Audiobook Inspirational Stories Written by: Alexa Rey Narrated by: Falyn Revised and rearranged by: Andrea Gale “5 years?” mahinang tanong ni Meredith kay Lucas. Tila natameme ang isip niya nang malamang aalis ito sa isang buwan at magtutungo sa US upang doon na ipagpatuloy ang pag-aaral nito. “Yes. Isa pa, doon nagpapagaling ang bunso kong kapatid. Mas madalas ko na siyang madadalaw sa ospital kapag doon ako nag-aral,” paliwanag pa nito. Hindi siya nakaimik, hindi niya gusto ang ideyang aalis ito at mawawala nang ganoon katagal ngunit hindi rin naman niya masabi ang pagtutol niya. “Is that alright with you?” biglang tanong nito, marahil ay napansin nito ang pananahimik niya. “Lucas...” Napakapit siya nang mahigpit sa suot niyang palda, hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin. “Kailangan mo ba talagang gawin 'yon?” Lumamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya, bakas ang pag-aalala sa itsura nito. “You don't have to worry, magiging mabilis lang ang limang taon, baka nga mas maaga pa ro'n ang pagbalik ko, eh.” “Hindi biro ang limang taon, Lucas. Hindi natin masasabi kung anong puwedeng mangyari sa loob ng limang taon na 'yon.” “Hey, it's not like we're breaking up. We don't need to do that, and I don't want that. We're still together kahit na malayo tayo sa isa't isa. I'll call you every day, I promise you that.” Mahigpit na ang kapit nito sa dalawa niyang kamay habang pinagagaan nito ang loob niya. Ngunit alin man sa mga sinabi nito ay hindi siya nakumbinsi na pumayag. “Hindi mo naiintindihan, Lucas,” mahinang turan niya, binawi niya ang mga kamay rito at tumayo. “Mas mabuti siguro kung huwag na muna tayo magkita, kailangan ko munang mag-isip.” Mabilis na iniwan niya ito sa parke at umuwi, nang makarating sa bahay ay naabutan niya ang kanyang ama na naghihiwa ng talong sa mesa, bahagya itong inuubo at tila nahihirapan

قد يعجبك أيضاً