SpotifyToMP3
Ang KWENTO tungkol sa TATLONG TUMATAWANG MONGHE |  The Three Laughing Monks Story | Lucastory

Ang KWENTO tungkol sa TATLONG TUMATAWANG MONGHE | The Three Laughing Monks Story | Lucastory

5:44 · ٢٬٧٩١ استماع

من الألبوم Lucastory

الوصف

Ang Kwento ng Tatlong Tumatawang Monghe Ang kaligayahan ay isang malawak na terminong naglalarawan ng mga positebong emosyon, tulad ng kagalakan at kasiyahan sa buhay. Kayat huwag natin gawing seryoso at komplekado ang buhay, sa halip ay panatilihin itong simple. Hayaan niyo pong ibahagi ko sa inyo ang kwento tungkol sa tatlong monghe, na kilala bilang “the three laughing monks” dito mo lubos na mauunawaan ang kahalagahan ng yong pagtawa. Sa sinaunang Tsina, may tatlong alamat na tumatawang monghe na naglalakbay sa bawat nayon ng Tsina. Sila ay mahirap at walang makamundong bagay o magagandang damit, ngunit ang puso nila ay puno ng kagalakan. Sa bawat nayon kung saan sila huminto, ang mga monghe ay laging nakapwesto sa centro ng pangunahing plaza at nagtatawanan, habang mga tao ay nagkukumpulan sa kanilang paligid. Nanginginig ang mga tiyan ng mga monghe at tumutulo ang mga luha sa tindi ng kanilang pagtawa, hanggang sa sila ay minahal at hinangaan nang husto. Sa paglipas ng mga taon, ang katanyagan ng tatlong tumatawang monghe ay lumago ng lumago. Minahal at iginagalang sila ng lahat ng tao sa Tsina. Walang sinuman ang nakakagawa ng pangaral sa paraang ginawa nila: sa pamamagitan ng pagtawa lamang. Ang paraan ng kanilang pagtawa ay hindi tumutukoy sa sinuman na indibidwal para lang pagtawanan, ngunit ito ay parang naintindihan nila ang isang mahusay na cosmic joke. Sila ay nagpakalat ng kagalakan sa buong Tsina nang hindi gumagamit ng kahit na isang salita. Sa mahabang buhay na magkakasama ang tatlo, namatay ang isa sa kanina. Nang mangyari ito, iniisip ng buong nayon na kanilang tinutuluyan kung ano ang susunod na mangyayari. Akala ng mag tao na kapag namatay ang isa sa kanina, ay paniguradong iiyak ang mga naiwan. Nagtipon ang buong taganayon sa pag-asang makakita ng hindi pangkaraniwan na dramatikong nagaganap. Ngunit sa halip na umiyak, ang dalawang natitirang monghe ay tumayo sa tabi ng bangkay ng ikatlo, dito ay tumatawa ng isang malakas na tawa kasabay ng pag alon ng kanilang tiyan. Ang mga taganayon ay

قد يعجبك أيضاً