
AKALA NG CEO, LALAKI ANG BAGONG DRIVER, BABAE PALA AT COLD SA LAHAT. MAKUHA KAYA NIYA ANG PUSO NITO?
76:01 · ١٬٥٧٠ استماع
من الألبوم ISTORYA NI AMIHAN
الوصف
Dating laman ng racing sa LA si Elsa, pero dahil sa isang trahedya, tinalikuran niya ang bilis ng kalsada. Pag-uwi sa Pilipinas, naging part-time ambulance driver siya hanggang sa mapilitang pumalit sa kanyang ama bilang driver ng isang sikat at guwapong CEO, si Felix Madrigal. Sa likod ng pagiging babaero ni Felix, may itinatago pala itong sikreto upang iwasan ang isang arranged marriage. Pero paano kung ang babaeng dapat nitong pakasalan ay ang pinsan ni Elsa na siyang pinagkakautangan ng pamilya ng dalaga ng milyun-milyon? Sa gitna ng utang, pamilya, at isang kasunduan, si Elsa ang hindi inaasahang mahuhulog. Kaya bang bayaran ng salapi ang pusong nagmamahal, o muling iiwan ni Elsa ang lahat para sa katahimikan? ISTORYA NI AMIHAN LOVE STORY | love story tagalog | Tagalog Love Story | TAGALOG STORY Written by: Rhod Selda Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: The CEO's Cold Lady Driver Exclusively written for Istorya Ni Amihan PATAKBONG pumasok si Elsa sa opisina ng CEO ng MHS Furnishing Incorporated. "GOOD morning, sir!" hinahapong bati niya sa lalaking naka-black suit at nakaupo sa harap ng lamesa ng CEO. Late na kasi siya at nanggaling pa siya sa ospital kung saan siya part-time ambulance driver. "Who are you?" kunot-noong tanong ng guwapong lalaki. May kasama itong magandang babae na nakaupo sa couch. "I'm Elsa Velasco, sir, temporary driver ng CEO. Anak ako ni Ador. Naka-leave kasi ang tatay ko dahil nagpapagaling ng paa niya na napinsala ng aksidente." Nasuyod pa siya nito ng tingin. "I'm Felix Madrigal, the CEO," pakilala nito. "Are you sure you can drive?" pagkuwan ay tanong nito, nagduda pa. "Hindi po ipagkakatiwala ng tatay ko ang trabahong ito kung hindi ako marunong magmaneho. May professional driver's license po ako." "Okay. Prepare the car. Here's the key." Inihagis nito sa kan'ya ang susi, na kan'ya namang nasalo. Pagkuwan ay lumabas na siya at pinuntahan sa parking area ang kotse ng CEO. Binuksan na niya iyon at pinaandar. Sumunod din kaagad sa kan'ya ang CEO kasama ang babae
قد يعجبك أيضاً
- 1
ألبومThe Revenge Romance
١٬٤٢٠ استماع
- 2
ألبومThe Whetstone Fist - A LitRPG Series: Episode 3
٥٬٢٢٠ استماع
- 3
ألبومDescendents
Descendents · ١٠٬٤٤٧ استماع
- 4
ألبومThe Definitive Guide To Occupy Wall Street: Uncover the Movement that Changed a Generation
١٧٤ استماع
- 5
ألبومGood Samaritan Radio
٤٬٩٠١ استماع
- 6
ألبومThe Amazing Devil Radio
٧٬٣٨٤ استماع
- 7
ألبومmxracle Radio
٥٢٣ استماع
- 8
ألبومAfter Dark '86
Darkvine Music · ٥٬٤٨٦ استماع
- 9
ألبومDelago
Delago · ٥٬٧٩٣ استماع
- 10
ألبومAura9
Aura9 · ٧٬٦٣٩ استماع
- 11
ألبومSTVCKS
STVCKS · ٧٬٦٢٥ استماع
- 12
ألبومFugue for empty platforms
Engines Dream of Glass · ٥٬٦٦٣ استماع